Sa'yo UP Maraming Salamat
Sa 'yo UP maraming salamat Ikaw na aking tahanan Mula sa aking pagkamulat Hanggang sa aking huling hininga Sa 'yo UP maraming salamat Ang iyong mga aral ang aking gabay Baon ko ito sa paglalakbay Hanggang mapanaw ang buhay. Kami'y lumaki sa iyong pag-iingat Natutong mag-aral, natutong magsaya Dulot mo ay init tuwing kami ay nagiginaw Sa lahat ng panahon bigay mo'y pag-asa. Sa 'yo UP maraming salamat Ang iyong mga aral ang aking gabay Baon ko ito sa paglalakbay Hanggang mapanaw ang buhay
UP Maraming Salamat!!
Malayong lupain amin man marating di magbabago damdamin.
-mula sa isang alumnus
No comments:
Post a Comment