Tuesday, 7 February 2012

Essay (Random)Pinaggagawa ko nung Sunday-Dec 14

Sa totoo lang, hindi ko plinano na mangyari ang mga bagay sa araw na ito. Sinununod ko lang ang sinabi ni Machiavelli. Ang grasya ay nagpapakita sa iyo ng di ganun kadalas ngunit kung andun, kunin mo na! Hehe. Yan ata ginawa ko nung araw na ito.

Plano ko sa araw na ito na makapaglibot sa Old Manila (maari sa Divisoria) pagkatapos ng UP Women's Volleyball game.Andun ka na lang, bakit hindi ko gamitin yun para maglibot? Parang ganun plano ko. Sa pagpunta ko sa FEU gym (kung saan ginaganap ang mga laro), medyo naligaw ako. Sa Legarda kasi ako bumaba at di ko alam kung saan ako daaan. Buti na lang nakapunta ako pero late ng konti. Akala ko mananalo tayo sa larong ito. UE, mukhang mahina sila. Dun ako nagkamali. Down tayo sa unang set pa lang. 

Katulad ng unang dalawang laro, 0-3 ang nangyari. Sayang ang 2nd set, muntik na kaming manalo dun. 22-19 ata humabol pa ang mga Amazona!! Grr... Kaasar. Nalungkot lang. Talo na naman. Talo din daw mga lalake! Papauwi na sana ako sa UP (di ko bahay talaga pero parang ganun na rin) para katagpuin ang isang kaibigang nagbalik-bayan si KJ (ang PEP na umasikaso sa amin) ay nagtatanong kung saan ang Lyceum. May laro daw na pupuntahan. Hula ko ay laro iyon ng Lady Maroons (na kasali sa WPBL). Sinabi ko kung puwede ako sumama. Sige sumama ako sa kanya at kay Kuya Ben (UPSE alumnus). Si Kuya Ben ay nagtapos ng BS Economics nung 2005. Sa sobrang pagmamahal sa UP (at La Salle) ay nagatubili pa siyang manood ng laro. Pinagpalit ko ang pagkikita namin ni Kuya Don para sa isang game (sorry Kuya Don).

1 comment:

  1. Pragmatic Play on Map in Uganda - TheJTM Hub
    In the second half 전라남도 출장안마 of 평택 출장마사지 the 2021-22 거제 출장안마 period, Pragmatic Play Ltd. made a deposit of at 의정부 출장안마 least £10 to get the maximum bonus. This ensures 상주 출장마사지 that

    ReplyDelete